Last Tuesday, I started working as a food server in
Racks El Pueblo. My first day was not that so good but at least not bad J
Mababait naman yung mga tao sa store pati yung mga managers approachable naman.
May mga mistakes na kong nagawa saka medyo na-industry shock ako. Hehe! Wala lang,
parang mas gusto ko parin sa Burgoo kahit na sobrang strict nung management
nila kasi mas madaling ma-cope up yung SOP nila. Sa Racks kasi medyo takot
akong subukan yung tray service nila. I am afraid to have a wrong move, for
example, mabasag ko yung baso or makatapon ako ng tubig sa guest, o di kaya
naman ma-out of balance ko yung tray sa kamay ko. Naniniwala naman ako na
natututunan naman ang lahat ng bagay. Mahirap lang talaga mag-adjust sa simula.
After this week for sure ma-a-adopt ko din yung environment sa store. Yung tipong
busy lahat, tapos nagtutulungan. Hindi pala madali tong pinasok kong field. Akala
ko kasi dati madaling matutunan yung skills na kelangan sa work.
Anyway,
nalulungkot ako ngayon. Kasi patay na si Jokjok, yung aso namin. Naaalala ko
siya, tuwing may magdo-doorbell tatahol sya, tapos kapag dumarating kami
excited siya. Nakakamiss yung tahol niya kahit maingay at masakit sa tenga. Namimiss
kong himasin yung katawan niya. Namimiss ko din yung bigyan siya ng pagkain
tapos nauubos niya sa sobrang gutom. Namimiss ko talaga siya. Tapos kahapon
tinabihan nya pa ko. Parang nagpaparamdam na siya na iiwan nya na kami L
naiiyak ako pag naaalala ko yung huling kita ko sa kanya na parang nasusuka
siya na wala siyang maisuka, yun na pala yung huli nyang breath L kahit
mabaho siya gustong-gusto ko parin syang yakapin. Nakakamiss yung time na
hihiga siya tapos gusto niya ipakamot sa’min yung tyan niya. Hindi ko kinayang
tingnan kahapon habang nilalagay sya sa sako nila papa. Parang ang sakit L parang
may something sa’kin na kinuha pero hindi pa ko handa na kunin sa’kin. L
Wala naman
akong makausap sa mga oras na to para ilabas yung kalungkutan ko. Although patay
na yung aso namin, may bago naman kaming alaga ngayon, si Mingming J medyo
makulit nga lang kasi bata pa, pero nakukuha naman sa sigaw para huminto sa
kakulitan. Sana magtagal sya sa’min. Sana mapasaya nya din kami gaya ni Jokjok.
Para din pala silang tao, na kapag namamatay nalulungkot yung amo or yung taong
nag-aalaga sa kanila L
Malungkot
pala talaga pag mag-isa sa bahay. Ako lang kasi ang tao ngayon dito sa’min,
pero maya-maya aalis na din ako, papasok na kasi ako sa trabaho. Sa totoo lang,
parang hindi ako masaya sa work ko. Parang di ako satisfied. Parang may kulang.
Haaayy… Siguro sa una lang to kasi nangangapa pa ko. Saka wala namang trabaho
na madali eh. Isa pa, mabilis lang ang oras. Yung duty hours ko mabilis lang matapos… AJA!!!!! KAYA
KO TO!!!! GOD IS ALWAYS WITH ME J I must
be happy despite of those bad things that are happening to me.

2 comments:
wag ka na malungkot sa pagkawala ni jokjok..ahehehe...
haizt...
Post a Comment