Gusto kong magsulat… I mean gusto kong mag-update ng blog ko… pero di ko naman alam kung ano ipopost ko na entry… haaayy…
10:08pm…
Yan ang oras habang nagtatype ako na
hindi ko naman alam kung ano ang topic ng entry ko ngayon. Sa totoo lang, ang
daming bagay ang umiikot sa isipan ko. Ang daming thoughts and ideas ang
nagpapaikot-ikot sa utak kong naguguluhan… feeling ko yung mga neurons
nagbubuhol-buhol na dahil ang dami kong gustong i-burst out but I don’t know
how, when and where will I start… in short… NABABALIW AKO… bwahahahaha!! (naniwala
ka naman?!)
Ano pa bang gusto kong sabihin?? Gusto ko
lang naman ilabas yung saloobin ko tungkol sa Ms.Universe! charot! HINDI! JOKE
LANG! J
Naiinis kasi ako sa trabaho ko. Naiinis
ako sa mga “katrabaho ko…” ewan ko ba!! I feel isolated whenever nasa office
ako. Pero gusto ko naman yung feeling ng nag-iisa. Gusto ko kasi yung kapag
nasa workplace busy ako, yung tipong walang nanggugulo, walang nakikichika
during working hours, walang nambibwisit na officemates, in short… PURE WORK,
walang halong eklaver… pero syempre pag-uwian may gala mode din namanJ Isa lang naman kinaiinisan ko sa kanila eh, masyado
silang chismosa!
Sa totoo lang, wala naman akong
ginagawa sa kanila. Ayoko nga silang kaibiganin eh, kasi ayoko lang… Hindi sila
yung tipo ng taong friendly sa paningin ko. PLASTIC ba tawag sa kanila?! Hay naku,
whatever term might describe them, I JUST DON’T WANT THEM TO BE MY FRIENDS.
(period!)
Hindi naman ako nakikipagkompitensya sa kanila eh. Matagal na sila sa company, ako baguhan lang; marami na silang kilala sa company, ako nangingilala pa lang; alam na nila pasikot-sikot sa company, ako nangangapa pa lang; they can be a leader in their own way, ako typical follower pa lang; they have their own circle of friends, ako still building friendship with them; there is seniority in their hands, ako minor pa lang (hindi yung age huh!)… SEE the DIFFERENCE?!
Ang ingay parin nung electric fan!
(uyyy… sumesegway!! Walang maisip na karugtong!) :p
So what’s the bottomline?! Should I stay
or should I go?! I still have no concrete decision about this matter. Diba sabi
ko nga, NAGUGULUHAN ako… bahala na nga!!! Yung problema ko hindi naman nalalayo
sa maingay na electric fan eh… kahit naiinis ako sa ingay nya, indispensable
parin sya sa bahay namin- Parang ako J kahit anong
inis nila sa’kin, naniniwala naman akong kelangan parin nila ng service ko… I do
believe that everyone in the office is indispensable, but sometimes I feel that
I‘m an exemption; whether I stay or not, it doesn’t matter to them, coz I am
just an eye -sore for their redish-vampire-eyes! Unti-unti nilang inuubos yung
dugo ko… chaaarrr!! I mean yung pasensya ko… eheeemmm!!! Sorry sila, kung sa
pahabaan lang ng pasensya………………………….. ANG INGAY TALAGA NUNG ELECTRIC FAN!!! MA-I-OFF
NGA! KAINIS!!!! GRRRR!!!!
Getchiwa mo na?! kung sa pahabaan lang
ng pasensya, KONTING-KONTI na lang ang natitira sa’kin… wahahahahaha!!! kaya
pwede ba, magsi-ayos nga kayo! Baka di ko kayo matantya! ANSAVEEEHH?! :p
Life still goes on…
10:35 na… ang ineeeet!!! YAYA, paki-on
nga yung aircon! (I found a better one. Hihi! Ambisyosa!)
J

No comments:
Post a Comment