Friday, March 25, 2011

PJ: My Ultimate Crush ^_^


        Philip James MiƱoza. Haayy... Paulit-ulit na ume-echo sa tenga ko yung name na yan. Ayoko na nga siyang isipin eh, kaso ang hirap alisin sa isip yung buong physical appearance niya lalo na yung “KILLER SMILE” niya. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman ako dapat ma-inlove ng lubusan sa kaniya kasi super bihira ko lang siya makita. Sadyang napakalakas lang talaga ng appeal niya at sa tuwing nakikita ko yung face niya, para bang wala siyang problema, isa siyang seryosong tao, parang ang dami niyang tinatago... ang hirap basahin ng pagkatao niya... Pagnaglalakad siya, nakatingin siya sa baba o di kaya naman malayo at diretso ang tingin. Haay PJ... ano bang meron ka... napa-inlove mo ko ng ganito??!
          Ngayon ko lang narealize, masakit pala talaga yung feeling na ayaw sayo ng taong gusto mo. Naaalala ko yung mga araw na may nanliligaw o nagkakagusto sakin, tapos super dedma ako sa kanila o di kaya naman grabe ako kung magreact... Siguro, karma na nga ito sa akin...
          Sinubukan kong iadd si Pj as my friend sa facebook. Pero mukang napakalabo at napakaimposibleng iaccept niya ang request ko. Ang sakit isipin na sa simpleng bagay na yun, eh hindi niya ko mapagbigyan. Nung time na hinihingi ng mga classmates ko yung fb account niya, ayaw din naman niya ibigay, ngayong nahanap ko na, ayaw naman niya akong iaccept. Masakit pala talaga mareject ng taong gusto mo. Ang hirap pala talaga magplease ng taong totally ayaw sayo...
          Minsan nga iniisip ko, paano kung naging prof namin siya?? Wala lang... Ang dami kong tanong sa sarili na ayoko namang hanapan ng sagot kasi for sure masasaktan lang ako.
          Sabi nila ang taong maganda/gwapo ay nababagay lang sa taong tulad nila- maganda at gwapo din. Ayokong maniwala, kaso sa nangyayari sakin ngayon GUSTO KO NANG MANIWALA. May itsura kasi si Pj... eh, ako?? Anong panama ko?? Wala naman. Ang sakit din tanggapin ng katotohanan na yun. Ang layo kasi talaga ng agwat namin sa isa’t isa- mayaman siya, may mataas na pinag-aralan, tapos gwapo pa. Ano pa nga ba ang hahanapin sa kaniya ng isang babaeng tulad ko??
          Lalo pa akong nasaktan nung nalaman ko na may girlfriend na pala siya. Ang pinakamasakit pa dun, last March 12 lang siya nagpost about his relationship status sa fb. Meaning, recently lang naging sila ng girlfriend niya. Ang swerte nung girl. Mabait si Pj, matalino, may itsura, humorous at talented pa. May iba pa kayang taong tulad niya??
          Hanggang ngayon, di ko parin maiwasang kiligin sa tuwing naaalala ko siya or nakikita. Ang lakas talaga ng impact niya sa buhay ko. SUPER CRUSH ko talaga siya. Hindi ko alam kung LOVE na bang matatawag to... kasi, bukambibig ko name niya, lagi siyang pumapasok sa isip ko, lagi kong naiisip muka niya, kinikilig ako sa smile niya... hay naku naman! Ang hirap ng ganitong pakiramdam...
          Nung araw na sinabi sa kaniya ng mga classmates ko na crush ko siya, sobrang kinilig talaga ako... AS IN SUPER KILIG... pero, at the back of my mind, sabi ko sa sarili ko IMPOSIBLENG MAGKAGUSTO SIYA SAKIN. Nag-iimagine ako na magkausap kami, tapos biglang papasok na naman sa isip ko na IMPOSIBLENG magkaroon ng pagkakataon na kausapin niya ko... LAHAT IMPOSIBLE SA’MING DALAWA.
          Paano ko kaya siya makakalimutan... Paano kung bigla niya akong iaccept as a friend sa fb?? Paano kung one of this days, maging single siya uli?? Pero, sa palagay ko, kahit mangyari pa ang lahat ng yon, IMPOSIBLE paring MAINLOVE siya sakin. Sana makahanap ako ng kagaya niya... Tuwang tuwa nga ako nung nalaman kong magkasunod lang yung birthday naming dalawa- Aug. 19 ako, siya naman Aug.21... Destiny ba tawag dun?? Pero pakiramdam ko naman, mukang he and his girlfriend have a serious relationship. Mukang masaya sila sa isa’t isa. Mukang gusto na rin ni Pj lumagay sa tahimik. Gusto na din siguro niyang pakasalan yung girlfriend niya, at yung girl naman, mukang mahal na mahal si Pj... Kahit sino naman sigurong babae hindi magagawang iwan ang tulad niyang lalaki.
          Pj. Pj. Pj. Wala na bang ibang pangalang mag-aappear sa isip ko?? Ayoko na siyang isipin talaga eh. Pero sabi nila, the more na pinipilit mo ang sarili mo na kalimutan ang isang tao, the more na mahihirapan kang kalimutan siya... kasi prinepressure mo yung isip mo na kalimutan siya, pero yung puso mo, TANDANG-TANDA parin siya. Ang hirap naman!! Hanggang kelan ko naman mararamdaman to?? Buti na lang 1 sem na lang ang ikatatagal ko sa Fatima, at makakagraduate na ko. Sana sa graduation ko, di ko siya makita... lalong ayokong makitang kasama niya yung babaeng mapapangasawa niya sa araw ng pagtatapos ko. Yun lang... sana makamove-on na ko.. OUCH! >.<

1 comment:

Pats said...

teh???hindi ka naman inlove kay PJ eh..Deadz na deadz ka sa kanya...ahaha! Ano ka ba, you're beautiful in your way coz God makes no mistake, you're on the right track baby you were born that way..wahahaha(lady gaga lang ang peg)ahaha