Sunday, March 4, 2012

March 3, 2012 – Day of Success!




Nasa mood ako ngayon para magpost ng entry sa blog ko. Masaya ako kasi tapos na yung final defense namin and everything turned out so good today. Actually, I got enough sleep na din. Kaso may lakad pa ako bukas eh. Kelangan ko kasing umattend sa isang event sa PICC just to complete my grades in Event Management. Balak ko pa naman magreview bukas kasi exam week na this coming week.
Malapit na din pala yung retreat namin. Habang papalapit yung graduation namin, di ko ma-explain yung feelings ko. Sabi nila nakakaiyak daw yung graduation day, for me, it’s the happiest day of a student’s life. Siguro, in some ways and in some reasons, nakakaiyak nga talaga ang graduation kasi yung mga taong nakasama mo in 4 years or more eh may kanya-kanya ng daang tatahakin. Once in a while na lang kayo magkikita-kita pero it doesn’t necessarily mean na mawawala na sila sa buhay mo. Sabi nga nila, true friends will never leave you. May maiiwan at maiiwan parin, at kung may umalis man, may papalit naman.
Mamimiss ko ng bongga yung mga klasmeyts ko ngayong college. Ang lakas kasi ng impact nila sa buhay ko. Kahit na minsan di kami nagkakasundo lahat; kahit na minsan puro kami kalokohan; kahit na minsan mapang-asar kami; at kahit na minsan pikunin kami; wala paring tatalo sa UNO-Gtres. Ang daming bonding moments ang hindi basta-basta makakalimutin na kahit siguro tumanda’t magkaanak na kami ay maaalala parin namin yung mga happy moments namin sa isa’t isa. Ano-ano nga ba ang super mamimiss ko sa G-tres???
Laughing out loud. Kami na ata yung section na maraming tawa eh. Kahit maliliit na bagay nahahanapan parin ng comedy, kahit nga hindi nakakatawa natatawa parin kami. Siguro sadyang magaling lang kami magdeliver ng mga punchlines at jokes :D
Unity. We are one, so we unite. It’s true! Kapag may problema nagdadamayan naman kami. Kapag may mga activities nagtutulungan kami. Most especially, kapag major exams we share our blessings. LOLS! Naniniwala kami na hindi ka tunay na estudyante kung hindi mo naranasan mangopya kahit paminsan-minsan. Oo, masarap makakuha ng mataas na score kung pinaghirapan mong sagutan yung exam on your own, pero iba parin yung makita mo ang sagot ng katabi mong pinakamatalino sa klase :D nasa dugo na ata namin ang garapalang kopyahan tuwing may exam. Sa una magkakahiyaan pa yan, ayaw pa lunukin yung mga pride chicken nila, pero sa final exam, lumalabas ang tunay na ugali :D Yan ang Gtres!! Hindi plastic :D
Side comments. Kami na  siguro yung tipo ng estudyante na makarinig lang ng negative or positive statements ang dami ng side comments agad kahit di pa tapos ideliver yung buong statement. Ewan ko ba! Parang kulang ang araw namin pag di kami nakakapag-side comments sa mga professors namin even sa mga delegated leaders sa bawat event na ginawa namin. Andyan yung isang word pa lang ang nasasabi may komento agad, o di kaya naman pagtapos na pagtapos magsalita ng speaker dadagundong ang room dahil sa mga side comments na di naman totally kelangan. Kapag nagtanong ang speaker na any questions or suggestions, eto ang pamatay na sagot namin: “NONE.” Hahahaha! where in fact ang dami naming tanong sa isip at ang dami rin naming gustong i-clarify… hayyy, G-tres nga naman!
Asaran time. Eto libangan namin, ang mang-asar ng mang-asar hanggang sa mapikon si Bryan :D hahaha!! Totoo to, si bryan kasi ang malakas mang-alaska at siya rin ang mabilis mapikon :D how ironic! Almost lahat sa amin ay may kapintasan, at yung kapintasan na yun ang nagbibigay ngiti sa amin kasi mababaw lang naman ang pinaghuhugutan ng ngiti namin pero mataas naman ang mga pangarap namin na siyang magbibigay ng buong kasiyahan sa buhay namin :D asaran time is bonding time of g-tres, kung pikon ka, tiyak na pag-uusapan ka sa klase na hindi ka marunong makisama at kung tatahi-tahimik ka, matakot ka na, kasi for sure pinagtatawanan ka na ng palihim J
Success. Sa totoo lang, kahit nag-aaral pa lang kami, may mga successful happenings na rin kaming pinagsaluhan. Andyan ang controversial culminating acitivities, ang nakamamatay na defense, ang nakakaubos-dugo na mga major exams at mga project deadlines na hindi ka patutulugin, isama na rin ang mga activities na on the spot ang preparation at execution :D lahat ng yan, pinagdaanan na namin, at lahat din ng yan ang sumubok sa kakayahan namin bilang isang matatag na grupo :D
Napakaraming bagay ang mamimiss ko sa mga klasmeyts/friends ko ngayong college, pero ang pinaka the best is yung FRIENDSHIP na nabuo sa loob ng apat na taon; kahit na napakaraming misunderstandings at shortcomings, solid parin kami.
G-tres Bidabest! Kudos G-Tres!

No comments: