Wednesday, December 8, 2010

Home of Stones


         
Ito na siguro ang pinakamalungkot kong post . Panu ko ba sisimulan? Panu ko ba ilalabas ang lungkot na nararamdaman ko?? Masayahin akong tao... Hindi ako yung tipo ng taong nagkikimkim ng kalungkutan, na kahit saan ako magpunta eh, halatang may dinaramdam ako... Gusto kong kausapin papa ko... Gusto kong malaman kung ano ang gumugulo sa isipan niya sa mga oras na to... Gusto ko siyang tanungin kung anong nararamdaman niya... Masama ba ang loob niya sa’kin??
          Mahal ko si papa.... pati si mama... kaso sa mga nangyayari sa’min ngayon, ang hirap idescribe kung may pagmamahal pa bang namamayani sa amin.
          Sabi ni Papa: Ako ang mas pagod... ako ang mas dapat na iniintindi ng ina niyo... Madali akong mahigh-blood kya dapat si mama niyo ang umunawa sa’kin... Seryoso akong tao... Hindi ko ugali ang makihalubilo sa iba... Aminado ako na may pagkukulang ako bilang ama, pero anak, mahal ko kayo... Kaya ganito na lang ang pagsasakripisyo ko sa trabaho ko... Naiintindihan niyo ba yun??
          Sabi ni Mama: Dalawang beses na akong naoperahan... Hindi naiintindihan ng ama niyo ang hirap na dinaranas ko ngayon... High-blood din naman ako... Napapagod din naman ako dahil may ginagawa ako sa tindahan. Hindi naman ako tumitigil sa pagtulong sa kaniya sa paghahanap buhay. Ang akin lang naman, sana respetuhin niya ako bilang asawa. Huwag niya akong pagsasalitaan ng masasakit na salita na para bang isa akong ‘P*’ babae!
          Hay.. nakakarindi... paulit-ulit... nakakasawa... kelan ba matatapos ang away nila?? Hay... no one can tell... No one can predict.... Naririnig ko na umiiyak si papa... Naaawa talaga ako sa kaniya... Siguro pakiramdam niya walang nagmamahal sa kaniya. Walang umuunawa sa kaniya. Iniisip niya, na hindi namin siya mahal. MAHAL KO SIYA... Sobra... Kahit na minsan naiinis ako sa mga pangaral niya.. natural na lang yun sa magulang eh...
          Ang hirap... ang bigat.... ang sakit... Bakit ngayon pa nangyayari ang lahat ng ito??? Ngayong napakarami kong pinoproblema sa school... Ang hirap balansehin. Gusto ko nang matapos ang lahat ng to... Gusto ko ng mabuhay ng maayos... Yun bang tipong kahit na may mga problema, nagagawa ko paring ngumiti... Pero alam ko naman na di maaaring sa lahat ng oras may ngiti sa aking labi... minsan, natural lang na mabakas sa’king mukha ang kalungkutan at pag-iisa...
          Sa mga oras na to gusto kong mapag-isa. Gusto kong magmuni-muni... Gusto kong lumayo sa pamilya ko at maramdaman man lang ang buhay na malayo sa problema... Naririnig ko ang pagbubukas ni Papa ng bote ng beer... Pakiramdam ko, nakakarami na siya... at di na niya kakayanin pang makaakyat papunta sa kwarto.
          Siguro, gusto lang din ni Papa mag-isa... Sabi nga nila, give him enough time to think... Sana di siya magbago... Mabuti siyang ama. Huwaran siyang ama para sa akin. Mabait siya... yun nga lang, sa sobrang katahimikan niya, naiilang akong kausapin siya. Nakakatakot siya magalit... Ayokong sinisita niya ko sa mga ginagawa ko... Bahala na... Bahala na ang bukas na naghihintay sa amin...

No comments: