Tuesday, August 23, 2011

Closer YOU and I




  It’s late at night, and I’m still awake. Gusto ko sana magpost sa blog ko… Kaso walang pumapasok sa isip ko… Siguro kahit ano na lang uli. Kung ano mag-pop up  bigla sa isip ko, yun na yung ieelaborate ko. Hmmm… Let me think just for a while…
     Let me share first my feelings towards Pj. Actually, hindi ko naman na siya crush eh. Nainis lang talaga ako kasi bakit ayaw niya iaccept yung friend request ko samantalang sa iba kong friends ang bilis niyang inaccept. Yun lang naman yung hindi ko maintindihan eh. Sabihin na nating I cannot please everybody, pero sa pangyayaring yun, I can’t control myself to feel sorry and criticize him for what he had done.
Next topic, MY FATHER. Ewan ko ba! Hindi ako tulad ng ibang anak diyan na sobrang close sa father nila. Siguro hindi lang ako pinalaki ng parents ko na super close sa kanila. To tell you honestly, I am really trying hard to get closer with him, but I feel that he is the one who draws line between us. I cannot explain why this is happening on us. Whenever he talks to me, I don’t want to listen to him. Kasi feeling ko laging pasermon siya makipag-usap eh. Yung tipong hindi ako pwede pumalag sa mga sinasabi niya tapos hindi rin ako makapag-share ng explanation ko kasi hahaba lang yung usapan namin and there could be a tendency na mauwi lang sa pagtatalo yung matinong usapan namin. I really wanna open up my feelings, problems and share my victory with him. Ang kaso, everytime I would start the conversation, I can sense that he’s not in the mood. Kasi naman gabi na sila umuuwi, so pagod na siya, syempre mas gusto na niya magpahinga diba.
     It doesn’t mean naman na porke’t di ako close sa kanya eh, di ko na siya mahal. Nandun parin naman yung pagmamahal ko sa kanya, ang nabawasan lang ng bahagya siguro yung “respeto” ko sa kanya. Nabawasan, kasi never niyang pinakinggan yung side ko, feeling ko tuloy wala siyang tiwala sa’kin. Tuwing magpapaalam ako, ang dami niyang sinasabi na feeling ko ayaw niya kong bigyan ng permiso at napipilitan lang siyang pagbigyan ako kasi si Mama pinayagan na ‘ko. Wala namang problema sa’kin yung magbilin siya about my safety, ang ayoko lang marinig eh, yung mga bagay na ayaw niyang gawin ko, like drinking liquors, having a boyfriend… yung mga bagay na madalas gawin ng teenager. I had just turned 20 and I am no longer a “teen,” I am now a “young adolescent.” Sana naman kahit papaano magawa ko na yung mga bagay na gusto kong gawin na walang pag-aalinlangan at takot dahil sa kanya. ‘Yun lang yung wish ko for my 20th birthday.
     Mukhang napahaba ata yung entry ko about my father. Posting and updating my blog make me feel relieve, kahit konti lang. Wala naman akong mapagsasabihan ng mga ganitong bagay kundi ang ipost na lang sa blog ko, at least sa ganitong paraan wala akong hinihingan ng opinion; opinion na maaaring di ko paniwalaan pero maaari rin namang magbigay liwanag sa isip ko. Isa pa, ayoko na rin manggulo o mandamay ng ibang tao, it’s my problem so I must be the one who will face and resolve it. Thank you my blog! =)

1 comment:

Pats said...

Sino si PJ?ahaha!..Pray for your father and I hope habaan mo ang pisi mo pagdating sa kanya...:)