Saturday, March 3, 2012

Wasted Day



Tinatamad na talaga akong mag-aral ngayon… Wala akong ganang magbasa at gumawa ng mga assignments. Ayoko ng maraming hinahabol na deadlines. Tapos sa mga oras na to, sumasakit pa yung puson ko… ang kirot…. Haaayyy… ano bang nangyayari sakin??

Gusto kong matulog na lang ng matulog para di ko naaalala yung mga bagay na dapat kong gawin… etong week na to ang daming activities na dapat ma-execute. Di ko na nga alam uunahin ko eh. Practice dito, practice doon, pero wala namang magandang resulta. Actually, hindi ako satisfied sa ginawa naming practice nitong nagdaang dalawang araw. Para lang kaming naglalaro, tapos hindi lahat nakikiparticipate. Sana lang maging maganda ang kalalabasan ng second culminating activity namin. 

May mga times na nagalit na sa’min si Gel, pero para sa iba balewala yung nararamdamang pressure ni Gel kaya hindi nila binibigay yung buong suporta nila sa group leader. Hindi ba nila naisip na kapag hindi kami nakapagculminating eh, hindi kami gragraduate?! Ba’t kaya ganun sila ngayon?? Ay, damay din pala ako.
Hindi rin naman ganun kalaki yung suporta na binigay ko kay Gel, pero sakto lang para masabing ginagawa ko yung mga responsibilidad ko. Tulad halimbawa nung paghingi ng tulong sa’kin ni Dan. Gusto ko siyang tulungan talaga kasi hindi biro ang gumawa ng audio visual presentation ng mag-isa. Paghahanap pa lang ng mga pictures kumakain na ng mahabang oras, panu pa kaya yung pag-eedit sa movie maker mismo?? Naunawaan ko yung pagkainis ni Dan kay Gel, kaya sana maunawaan din nya kung bakit sya na yung pinagawa ko ng isang audio visual. Naniniwala naman akong kaya nya yun eh.

Ang dami naming assignments, pero ni-isa wala pa kong natatapos. May exam pa bukas pero wala akong reviewer… ano na ba talaga ang nangyayari sakin?? Hindi ko maintindihan eh. Feeling ko ang daming laman ng utak ko, at sa sobrang dami nagma-malfunction na sya. Hindi ko alam kung kulang ba ko sa motivation, kung may problema ba ko (na alam kong wala naman akong problema sa mga taong nakapaligid sa’kin). 

Magulo. Sobrang magulo. Ang dami kong naiisip, pero gusto kong magpahinga. I mean gusto kong ipahinga tong isip ko. Pwede ba yun?? Sana yung isip pwede ipasyal sa park, o di kaya iswimming sa dagat… alam mo yun??? Yung tipong ilalabas mo sa ulo mo yung utak mo, tapos dadalhin mo sa kung saang lugar na makakapagparelax sa kanya tapos after mag-unwind balik uli sa work…  haayy,,, kung ano-ano na naman ang nai-imagine ko… lahat naman ng ito IMPOSIBLE mangyari eh.

Kahapon may nagtext sa’kin. Isa sa mga taong pinahahalagahan ko at minahal ko ng buong-buo. At dahil wala ako sa mood, I sent him a message telling that I want to finish everything that we had. Ilang araw din syang hindi nagparamdam. Hindi ko din sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag eh. Kasi paulit-ulit na lang yung ganung senaryo. Magagalit ako tapos hindi naman siya hihingi ng sorry eh, palalabasin pa nyang ako ang may mali at dapat akong makonsensya dahil nagalit ako sa kanya. Lagi na lang bang sya ang iintindihin ko?? Ako na lang ba ang laging magbababa at kakain ng pride chicken?? Ang haba-haba ng pasensya ko sa kanya, pero sya napakaikli ng pasensya nya sakin. Ganun naman ata talaga eh, hindi pwedeng equal ang nararamdaman niyo sa isa’t isa… laging may kulang, lagi ring may sobra… nasa sa inyo na kung paano ihahandle ang differences between the two of you.

May isa pang bumabagabag sa isip ko, ang bilis kong makalimot ngayon. Lalo na yung mga English terms. Hay, may sakit ba ko?? Bakit kasi kelangan pang pumunta sa doctor para malamang may sakit ka. Bakit kelangan pa ng prescription nila para malaman kung ano iinumin. Ayoko pa naman sabihin kala mama na may nararamdaman akong hindi maganda sa katawan ko. Tulad nga ng sabi ko kanina, sumasakit yung puson ko, bandang left… 

Lutang ang isip ko ngayon. Promise. Ayoko ng ganito. Nasasayang yung buhay ko eh. Pag natulog kaya ako magiging ok na ang pakiramdam ko? MAYBE.

No comments: