Thursday, November 25, 2010

"Mother: best woman in the world"


          "Gusto ko siyang tulungan... gusto ko siyang yakapin... gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng isang INA..."

          Last Thursday, nakipagkita ako sa isang taong malapit sa'kin... I treat him as a special friend and person to my life. Siya yung taong nakakaalam ng maraming bagay about sa'king pagkatao. I only met him last year, pero malaki agad yung tiwala ko sa kaniya. He's a nice a guy, and a friend too.
          Marami na kaming napag-usapan bout our life and we have shared so many happy moments and experience that leave lessons on my part. I love listening on him. Every words that come out on his mouth, I try to absorb and dig a deeper meaning on what he's talking and sharing to me. Hindi lang naman siya yung nagkekwento, pati ako. I have shared to him all my problems and often times, he gives me advise that is really a great help in able for me to be inspired and continue what I have started.
          Last Thusrday was a day that I could not forget. It was a day that made me realize though I know his name, and treat him as a friend, there's still a part of him that I still do not know. And that part of him was revealed when I talked to him heart to heart. Hindi ko maiwasang mag-isip at magmuni-muni sa mga bagay na napag-usapan namin. We talked a lot of things but there's one topic that striked me so much; that pushed me to be emotional that time; and that taught me of what love and care really meant for him.
        Here's how our converstion went:
ME: kamusta na mama mo?

HIM: ahh, si Emma? Ayun, masama parin ang ugali.

ME: bakit? 

HIM: di ba nakwento ko sayo na nakulong yung isa kong kuya?... siya ang may kagagawan kung bakit siya nakulong.

ME: huh? di kita ma-gets..

HIM: that time kasi, bago makulong si kuya, they had an argument that went very bad. Tinutukan niya si Emma ng sumpak. Akala ni Emma, ipuputok sa kaniya. Edi tumawag si Emma ng pulis. Pagdating ng mga pulis, dapat dadamputin nila si kuya, e dahil sa may sumpak na hawak tinutukan niya yung mga pulis. Edi nagkahabulan sila, nalaglag yung bala ng sumpak niya, pinulot niya, pinaputukan siya ng mga pulis, sa takot niya, binitawan niya yung sumpak at tinaas yung kamay niya. Ayun nahuli din siya, until now nakakulong na siya. Actually, nabigyan siya ng parol, ang kaso may bago siyang kaso.

ME: ano ba yung dahilan ng pag-aaway nila ng kuya mo?

HIM: may pinatago kasing pera yung gf ni kuya sa kaniya, sa takot niya na baka magastos niya yung pera, pinatago na lang niya kay Emma. Nung kinukuha na niya yung pera, aya ibigay ni Emma, ibig sabihin nagastos niya. Kaya ayun, nagwala siya, pero di naman niya kayang iputok yun kay Emma eh, tinatakot niya lang. Kaya lang mautak si Emma eh... ayun nagawa niyang ipakulong si kuya.

ME: kawawa naman yung kuya mo.

HIM: sa totoo lang gusto ko siyang tulungan. may personality disorder kasi si Emma pagdating sa pera. diba nakwento ko na sayo yun?! hay... gusto kong maramdaman yung pagmamahal ng isang ina. gusto ko siyang makasama. gusto ko siyang alagaan. Kaso, kung ganyan ang ugali niya, di ko kayang konsintihin siya sa mga ginagawa niya. Naaawa ako sa kalagayan niya, pero sa ugali niyang yan?! di ko siya matatagalan. Sabihin na niyang masama akong anak, pero naisip ba niya kung mabuti siyang ina?? kung isa siyang mabuting ina, hahayaan niya bang matulog sa labas ng bahay nila ang anak niya? hahayaanniya bang makitang nahihirapan ang mga anak niya pero siya nabubuhay sa kasarapan at kaginhawaan?? matitiis niya bang makita ang mga anak niya na kumakain na ang ulam ay toyo, asin at suka, samantalangsiya masasarap na pagkain ang nakahain sa harap niya?? pagbabawalan niya ba ang mga anak niya na pumasok sa sala nila at hayaang manood ng tv na nakadungaw sa may pintuan na para bang ibang bata at di niya anak??
kung siya mabuting ina, sasaktan niya ba ang anak niya physically?? sisiraan niya ba sa harap ng ibang tao ang anak niya?? ipagpapalit niya ba ang anak niya dahil lang sa pera?? Si emma, kahit kelan hindi naging isang INA... 

         I could not blame him for uttering those words. He is a son that's longing for a mother's love. May ina siya pero di man lang niyang magawang hagkan at yakapin. I realized so many things:
---> I should love my parents as I loved God and other people.
---> I am still lucky to have my parents.
---> There are so many children that need love from parents but no one could give for them.
---> What I have watched from tv, are true reflections of our life's real condition towards poverty.
---> People who haven't feel the love of their parents are those who love themselves more than anyone else could give them.
---> I should not complain about my status in life, because there are lots of people who are wishing and praying to have a better life like mine.
---> Money could make us all evil.
---> LASTLY, no one can replace the true love and care of a mother.


No comments: