Napakahirap magstart ng sentence sa bawat paragraph na ginagawa ko. BAKIT kaya?! Hindi ko din alam. Hindi ko alam kung sa’n ako magsisimula at kung panu ko sisimulan yung kwento ng post ko dito. Madalas kapag naiisipan kong sumulat ng entry ko, ang unang pumapasok sa isip ko eh, yung magiging title agad ng post ko. Actually, yung ibang writer after they have made their essay or writings at the end saka lang sila nag-iisip ng pwedeng i-title sa entry nila, pero ako, iba ang approach ko. BAKIT nga kaya?!
Tuwing
mag-eexam, normal lang na reaksiyon ng isang estudyante ang magkunwaring stress
sa pagrereview o kaya kinakabahan dahil baka walang masagot. Isa sa
pinakagustong-gusto kong exam eh, yung multiple choice. Una, napakadaling manghula
at pangalawa, kung ikaw ay nag-aral at nagreview kahit di mo na basahin lahat
ng choices, once na nakita mo yung sagot- na alam mong nareview mo, sure ka na
tama ang sinagot mo. Pero, kapag ang
exam ay reasoning or essay, lalo na yung “explain the following….” O di kaya, “enumerate
the following…” or worst, “WHY is….” malamang, sa sampung estudyante isa lang
ang mag-eeffort na sagutan ang katakot –takot na tanong na “BAKIT.” Sa tingin
mo, BAKIT kaya hirap na hirap ang mga estudyante sa pagsagot ng tanong na toh?!
I
love babies. I love children. Nakakaalis ng stress pag nakakakita ako ng baby na naka-smile or
natutulog. Para silang mga anghel na gawa ng tao. Nakakatuwang pakinggan yung
mga words nila kasi they are trying hard to pronounce the word correctly. Ang sarap
din nilang tingnan kapag nakikipaglaro at nakikipag-interact sa ibang bata,
nakikita kung pa’no sila makihalubilo sa mga tao. As their years go by, they
begin to explore new things and become curious with the things that they are
not familiar. At kapag nagsimula na silang mag-aral, mas lalong lumalawak yung
isip nila kaya nga matindi ang pangangailangan nila ng gabay mula sa mga
magulang. Kapag natututo na ang isang bata, madalas nagiging matanong sila sa
mga bagay-bagay sa paligid nila. Naranasan ko to sa isa kong pamangkin. Hindi ko
malaman kung saan niya hinuhugot yung mga tanong niya kasi parang exam yung
tanong niya na kailangan ko munang mag-isip ng tamang sagot at siguraduhin na
tama yung isasagot ko sa kanya. Minsan nga tinanong niya ko, “Ate, bakit
Ellaine pangalan mo?” BAKIT nga ba?! Hindi ko din alam, yun yung naisip ng
nanay ko eh. Tapos, tinanong din niya ko ng, “Ate, bakit ka naglalagay ng
make-up?” “Ate, bakit kailangan mag-aral?” “Bakit kailangang magtrabaho nila
mama at papa?” at ang pinakamahirap niyang tinanong sa’kin ay, “Ate, bakit may
Diyos?” hay! Grabe! Ang damin niyang tanong, puro BAKIT, bakit, bakit… tanong
ko tuloy sa sarili ko, “BAKIT ang hirap sagutin ng mga tanong ng mga bata?! At BAKIT
napakamatanong nila?!”
Tuwing
nakakagawa ako ng kasalanan, lagging unang tanong tanong sa’kin, “BAKIT mo
ginawa yun?!” At kapag nagbigay ako ng dahilan, may follow up question parin na
“BAKIT” hay… ano bang meron sa salitang BAKIT… Only five-letter word in
Tagalog, and three-letter word in English, pero napakahirap sagutin. BAKIT NGA
BA?!

No comments:
Post a Comment