Tuesday, October 4, 2011

“Konting Konsiderasyon… (daw!)”


         
             I’ve been crying for almost 12 hours… Yes! As in 12 hours… Hindi ko alam kung tama bang magalit ako, magmukmok, umiyak ng umiyak, at ilayo ang sarili sa pamilya ko. Sobrang nasaktan lang talaga ako sa nangyari kagabi. It was never my intention to make them mad at me and threw hurting lines out of their mouth against me. I never wanted them to say things that would make me cry… But it all happened within 1 hour.
          It’s just a simple misunderstanding. And here’s the story:  Ate Jie was about to go upstairs to call her husband that it was time for dinner. Everyone knows that we have a dog, at kelangang hawakan yung aso para hindi kagatin yung kasambahay namin, unfortunately nakawala yung aso. Aksidente yung pagkakawala niya kasi maluwag yung pinakatali niya sa leeg. Hindi ko naman ineexpect na mangyayari yun eh, kasi everytime na dumadaan si ate jie, ganun yung madalas kong gawin. And that time, nagkataon lang talaga na nailusot nung aso yung ulo niya sa tali dahil nga maluwag. Yun lang yung nangyari, GALIT NA GALIT NA SA’KIN SILA MAMA’T PAPA.
          Mahirap na kasing talian uli yung aso sa leeg niya dahil super wild ng aso namin pagnakakawala. It took time for my mother to put back the dog’s lace around its neck kasi nangangagat din yung aso. Dalawang beses nang nangyari yun, na nakawala yung aso sa tali niya… take note! 2 times pa lang! Yung galit ng parents ko sa’kin eh, abot hanggang langit! Na parang everyday nangyayari yung ganun. Eto linya nila sa’kin kagabi:
“SANA NAMAN BUNSO, BIGYAN MO KAMI NG KONTING KONSIDERASYON! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN YUNG HIRAP NAMIN SA PAGTRATRABAHO?! BUONG ARAW KAMING NAKATAYO AT NAKABILAD SA INITAN TAPOS PAG-UWI GANITO PA?! HETO NGA’T SUMASAKIT NA YUNG LIKOD NAMIN NG PAPA MO!! KONTING ORAS NA NGA LANG YUNG TINUTULOG NAMIN DADAGDAGAN MO PA NG PROBLEMA?! PANU NGAYON YAN?! ANG HIRAP ITALI NG ASO DAHIL NAGWAWALA! TUWING INUUTUSAN KA NAMIN SINISIMANGUTAN MO KAMI! SANA NAMAN INTINDIHIN MO KAMI AT SUKLIAN YUNG HIRAP AT PAGOD NAMIN MAPAG-ARAL KA LANG!!”
          See?? Ang dami nilang sinabi, nakawala lang naman yung aso, ACCIDENTALLY! Nasumbat na ata nila lahat ng maisusumbat nila sa’kin eh. Hindi ako umiyak dahil napagalitan ako, sanay na kong napapagalitan… Hindi ko lang kinayang pakinggan yung sinabi nilang “SANA BIGYAN KO SILA NG KONTING KONSIDERASYON.” Paulit-ulit na ume-echo sa isip ko yun… KONTING KONSIDERASYON… KONTING KONSIDERASYON… kailangan daw nila ng konting konsiderasyon na magmumula sa’kin….
          Nung mga oras na yon, gusto ko sanang sumagot… Pero pinairal ko parin yung pagrespeto at pag-intindi sa kanila dahil pagod sila. Ang akin lang sana bago sila nagsalita ng ganun inisip muna nila kung ano bang naitutulong ko sa pamilya namin.
KONTING KONSIDERASYON. (daw.)
          First award ko, sino ang nagsabit ng medal sa’kin?? KASAMBAHAY NAMIN. I was only a kindergarten then, siguro wala pa ngang muwang, pero may kasiyahan na kong nararamdaman dahil sa award ko. Buong grade school years ko, I struggled to be an honor student. Bakit?? Kasi nung grumaduate ang ate at kuya ko, SI MAMA ang umattend sa graduation ceremony nila. Sabi ko nun, bonus na nila mama sa’kin yung pag-akyat sa stage para sabitan ako ng medal. Dumating ang araw ng graduation, PINSAN ko ang kasama ko. Sabi ko nun, “ok lang, at least pag-uwi ko may medal parin ako, kahit ibang tao ang nagsabit sa’kin.”
          Nag-high school ako. Nag-enrol ako MAG-ISA. Hindi ko kasama Mama ko sa pag-eenrol dahil naisip ko, kelangan niya magpahinga dahil kaka-opera pa lang sa kaniya. Sabi ko nun, “ok lang, understandable kung bakit walang umalalay sa’kin sa pag-eenrol, ang mahalaga nakapagpa-enrol ako… Siguro mas kelangan lang talaga ng tulong nila ate’t kuya noon nung nagpapaenrol sila.” First year high school ako, nakapasok ako sa top ten. I got awards from different contests and none of those ang nalaman nila. Even nung elementary ako, wala silang alam sa mga napapanalunan ko, nakikita na lang nila na may dala akong medal at nagrereflect sa mga grades ko. Nag-2nd year high school ako, narealize ko, there’s no worth to struggle again to be on top. Kasi wala naman silang reaksyon kung may makuha akong award o wala, so bakit pa ko magpapakahirap?! So, what I did, I just maintained good grades and stayed on section 1. Kahit papa’no, hindi nila masumsumbat na nagpabaya ako sa pag-aaral. I graduated high school with no award, but on our graduation ceremony I was the one who led the opening prayer. The ceremony was about to start, pero wala akong nakitang kamag-anak ko na pumunta. Nung natapos yung ceremony, may lumapit sa’kin, SI MAMA pala nagpunta, medyo na-late lang daw siya, naabutan niya nung malapit na ko matapos sa pagdadasal. Sabi ko nun: “ok lang, atleast nakahabol siya. Hindi niya lang siguro talaga maiwanan yung tindahan basta-basta.”
          Tertiary years came. Nag-enrol uli ako all by myself… No support nor motivation coming from my parents. My first choice of school was UE, sabi nila: “mahal dyan anak, mag-Fatima ka na lang, doon nag-aral ng HRM yung kapatid ni kuya Andy mo, medyo mura daw dun.” OK! Nag-fatima ako. Nalaman ko yung tuition, ANG MAHAL PALA! Almost 20k,. Inalok ako ng scholarship exam, kahit ayaw ko, sinubukan ko parin. Kahit alam kong imposibleng maipasa ko yun, I STILL TOOK THE EXAM WITHOUT MY PARENTS KNOWLDEGE. When I got the result, that was the only time that I told them I passed the scholarship exam and it granted me to have a 50% discount on my tuition fee. And wanna know their reaction?  “50% lang?” WOW! What a good reaction coming from them. Sabi ko nun, “ok lang, siguro akala nila for every scholarship grants, full discount ang makukuha, makakasanayan din siguro nila yan.” All throughout my college years, I studied hard just to maintain my scholarship grant.
          Sa aming tatlong magkakapatid, sino ba ang nahihingan nila ng tulong kapag wala silang kasama sa tindahan?! Sa aming tatlo, sino ba ang napapakiusapan nila na maglinis ng bahay at maghugas ng pinggan?! Kelan ba nila huling nakitang humawak ng walis si ate at kuya?! Sa aming tatlo, kaninong damit lang ba ang nilalabhan niya??? Simula ng mag-college ako, AKO NA ANG NAGLALABA NG DAMIT ko. Kasi ayokong madagdagan yung pawis niya sa paglalaba. Sa aming tatlo, sino ba nag namamalantsa ng damit nila?!! Kahit kelan, sa buong taon ng pag-aaral ko, never ko silang pinapunta sa school dahil pintatawag sila ng principal or ng guidance counselor dahil may nilabag akong rule o may nagawa akong kasalanan sa school. Oo, aaminin ko nasisimangutan ko sila minsan… at yun ay dahil sa sobrang dami nilang inuutos na para bang ako lang ang tao sa bahay. Grade six ako, when I started washing our laundry. High school ako, when I started doing ironing our school uniforms. Panu si ate’t kuya?!! College na sila ng matutunan yung mga bagay na yun. Naoperahan si mama, sino ang kasama niya sa ospital nung time na inadmit siya sa operating room?!AKO LANG NAMAN. Nung naoperahan ako sa appendix, sino ang nagbantay sa’kin sa ospital? KASAMBAHAY NAMIN.
          Ngayon nila sabihin sa’kin, “BIGYAN MO NAMAN KAMI NG KONTING KONSIDERASYON.”
          Hindi ko alam kung nagkulang pa ba ako sa pagtulong sa kanila. Kung tutuusin, pwede naman ako hindi mag-aral ng mabuti eh. Yung grade na tres, ok na sakin yun, pasado na yun eh, saka ganun naman mga grades ng kuya ko, PERO NEVER NILANG KINWESTYON KUNG BAKIT GANUN ANG GRADE NI KUYA. Sa aming tatlo, never kong nagawang sagut-sagutin sila tuwing sinesermonan nila ako, PERO SI KUYA, MADALAS, wala lang sa kanila yun. Si ate naman, madalas akong tanungin, “nagwalis ka sa kwarto ko? Marumi na kasi.” Lagi kong sagot, “sige bukas, walisan ko.” Pero sa isip ko, “bakit hindi mo tanungin sarili mo kung kelan ka huling naglinis dyan sa KWARTO MO?? Ikaw naman ang gumagamit niyan eh! Naisipan mo bang walisan yung sala dahil sa sala ako natutulog?!” Paulit-ulit na sinasabi nila mama na pagod na pagod na sila sa pagtratrabaho mapag-aral lang ako. Honestly, 2nd year college ako nung nagpaalam ako sa kanila na gusto kong magtrabaho, anong sagot nila? “wag na muna anak, mag-aral ka muna.” Gusto ko pa sana magdahilan, pero pinili kong wag na lang iinsist yung kagustuhan ko. Bakit ako nagpaalam?! Simple lang… AYOKONG DUMATING YUNG TIME NA ISUSUMBAT NILA SA’KIN YUNG PAGTRATRABAHO NILA PARA LANG SA TUITION FEE KO NA PAGKAMAHAL-MAHAL KAHIT NA MAY DISCOUNT AKO. (pero naisumbat na  nila.)
          Gusto ko sanang sabihin ang lahat ng ito kagabi sa kanila, pero pinili kong manahimik na lang at umiyak ng umiyak. Naisip ko din na lumayas na lang dahil punung-puno na ko. Hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin…
          Nakapag-decide na ko, tatapusin ko lang tong pag-aaral ko, at pagkagraduate ko, aalis ako dito sa’min. maghahanap ako ng mauupahan. Mabubuhay ako para sa sarili ko. Magbibigay parin naman ako ng pera sa kanila, kahit pambayad lang sa tubig, para di naman nila maisip na wala akong utang na loob. At kapag malaki-laki na yung sinasahod ko, pambayad naman sa ilaw ang ibibigay ko. Naisip ko din, siguro pagwala na ko sa bahay, mababawasan na yung papalamunin nila at masasabi nilang: “BUONG KONSIDERASYON NA ANG NAIBIGAY KO SA KANILA, HINDI LANG BASTA KONTI, KUNDI BUONG-BUO!”
 GAGAWIN KO TALAGA ‘TO. BUO NA ANG DESISYON KO.

No comments: